Skip to Content

Mga karaniwang katanungan tungkol sa Coronavirus: Detalye na kailangan malaman ng mga Beterano

Basahin ang pahinang ito para makuha ang mga kasagutan sa mga tanong patungkol sa pagsusuri, mga bakuna laban sa COVID-19 at mga bagong balita tungkol sa mga benepisyo.

Mga bakuna laban sa COVID-19

Makakakuha ba ako ng bakuna para sa COVID-19 sa VA?

Kami ay nag-aalok ng mga bakuna para sa COVID-19 sa lahat ng Beterano na naka-enroll sa pangangalaga sa kalusugan ng VA. Kabilang dito ang mga Beterano na nakatira o naglalakbay sa labas ng U.S. at karapat-dapat para sa VA Foreign Medical Program.

Mas alamin ang sa VA Foreign Medical Program (sa English)

Mas alamin ang tungkol mga bakuna sa COVID-19 sa VA 

Paalala: Nasa sa inyo kung nais ninyong mabakunahan o hindi. Hindi makakaapekto ang inyong desisyon sa iyong pangangalaga ng kalusugan sa VA at sa inyong mga benepisyo sa kahit anong paraan.

Maaari ba akong makakuha ng updated na bakuna para sa COVID-19 sa VA?

Ang na-update na 2023-2024 na mga bakuna sa COVID-19 ay magiging available sa karamihan ng mga pasilidad sa kalusugan ng VA. Bago ka pumunta sa pasilidad ng kalusugan ng VA para kumuha ng COVID-19 na bakuna, tumawag para matiyak na ang pasilidad ay mayroong bakunang gusto mo.

Kung nagpabakuna ka para sa COVID-19 bago ang Setyembre 12, 2023, dapat kang magpabakuna ng isang dosis ng na-update na 2023-2024 na bakuna (Pfizer-BioNTech, Moderna, o Novavax).

Kung hindi ka nagpabakuna para sa COVID-19 dati, dapat kang pumili ng isa sa mga opsyong ito: 

  • Magpabakuna ng 1 dosis ng na-update na Pfizer-BioNTech o na-update na Moderna na bakuna, o
  • Magpabakuna ng 2 dosis ng na-update na Novavax na bakuna

Kung mayroon kang ilang partikular na kondisyon na nagpapahina sa iyong immune system, puwede kang makakuha ng mga karagdagang dosis ng na-update na 2023-2024 na bakuna. Tanungin ang iyong provider kung gaano karaming mga dosis ang inirerekomenda nila para sa iyo.

Mas alamin ang tungkol mga bakuna sa COVID-19 sa VA 

Pagsusulit ng COVID-19 sa VA

Pwede ba akong maiksamen para sa COVID-19 sa pasilidad ng kalusugan ng VA?

Nag-aalok kami ng dayagnostikong pagsusuri sa mga Beteranong nakatala sa pangkalusugang pangangalaga sa VA. Hindi kami naniningil ng kabahaging-bayad sa ngayon para masuri sa COVID-19.

Alamin ang paraan sa aplikasyon ng pangangalaga ng kalusugan sa VA (sa English)

Ang pinakamabilis na paraan ng pagsusuri ay ang paghingi ng tipan.

Ito ang tatlong paraan sa paghiling ng paghirang:

Kunin ang mga kasagutan sa mga katanungan para masuri sa COVID-19 sa VA (sa English)

Kung ako ay nagpasuri sa laboratoryo ng VA para sa COVID-19, kailan at paano ko makukuha ang aking resulta?

Sa karaniwan, ang mga resulta sa pagsusulit ay naibigay sa loob ng 3 hangga't 4 na araw.

Kung nabigyan ka ng pagsusulit sa  pasilidad ng kalusugan sa VA at mayroon kang My HealtheVet Premium na account, maaari mong makuha kaagad ang iyong mga resulta sa online, sa oras na mayroon kaming impormasyon. Kung ikaw ay walang My HealtheVet Premium na account, makukuha ma na ito ngayon. 

Alamin ang paraan sa pagkuha ng iyong mga resulta sa pamamagitan ng My HealtheVet (sa English)

Ang tagapagbigay ng iyong pangangalaga sa kalusugan sa VA o sa komunidad ay tatawag at ipaalam sa iyo ang mga resulta ng iyong pagsusulit sa oras na mayroon silang impormasyon. Kung mayroon kang mga pag-aalala tungkol sa iyong mga resulta, tawagan or magpadala ka ng pribado at ligtas na mensahe sa iyong tagapagbigay ng alaga ng iyong kalusugan. 

Kunin ang mga sagot sa mas maraming katanungan tungkol sa pagsusuri patungkol sa COVID-19 sa VA (sa English)

Ano ang gagawin ko kung ang resulta ng aking pansariling pagsusuri para sa COVID-19 ay positibo?

  • Kung hindi mo kinuha ang iyong pagsusuri sa oras ng iyong tipan sa VA sa video, kunan ng larawan ang resulta ng iyong pagsusuri. Maibabahagi ninyo ang larawan sa inyong nangangalagang pangkat sa inyong kalusugan sa VA.
  • Kontakin agad ang inyong pangkat na nangangalaga sa inyong kalusugan sa VA. Kung kailangan ninyo ng gamutan, kailangang umpisahan nang maaga para mabisa. Ang ibang mga gamutan ay kailangang umpisahan sa loob ng 5 araw na nagkaroon ng sintomas.
  • Ihiwalay ang inyong sarili upang hindi makahawa sa iba. Ihiwalay ang inyong sarili sa loob ng 5 araw na makaranas ng sintomas o simula na kayo ay nagpositibo. Kung hindi ninyo kayang ihiwalay ang inyong sarili sa iba, magsuot ng panakip na talagang sukat sa inyo kapag may kasama kayong mga tao sa loob ng 5 araw.

  • Ipaalam sa mga taong nakasama ninyo sa loob ng nakalipas na araw na kayo ay positibo. Para sa COVID-19, ang ibig sabihin ng ‘close contact’ ay nakasamang mababa sa 6 na talampakan ang pagitan sa loob ng 15 minuto o mahigit sa loob ng 24 oras.

  • Subaybayan ang inyong sintomas. Kung lumala ang inyong sintomas, kontakin ang inyong taga-bigay-kalinga o ang pinakamalapit na pangkalusugang pasilidad ng VA. Para makatanggap ng mga paalala upang malaman kung kailan kokontakin ang nangangalagang pangkat o ang nars na nagbibigay ng payo sa telepono, maaari ninyong gamitin ang aming Annie text messaging na serbisyo. 
    Mag-subscribe sa Annie text messaging na serbisyo (sa English)

  • Kung may kahit na anong senyales kayo ng emerhensiya, tumawag sa 911 o humingi ng tulong kaagad. Ang mga senyales ng emerhensiya ay mga sintomas na hirap sa paghinga, tuloy-tuloy na pananakit o mabigat na pakiramdam sa dibdib.               
    Kunin ang pinakabagong impormasyon ng sintomas ng COVID-19 sa website ng CDC (sa English)

Paalala: Kung nagpositibo ka sa pansariling pagsusuri, hindi mo na kailangang magpatakda ng pagsusuri sa laboratoryo.

Kunin ang mga sagot sa mas maraming katanungan sa pagsusuri patungkol sa COVID-19 sa VA (sa English)

Mga sintomas, paggamot, at pananaliksik ng COVID-19

Ano ang dapat kong gawin kung mayroon akong mga sintomas ng COVID-19?

Kung mayroon kang kahit na anong babalang senyales ng emerhensiya, tumawaga sa 911 upang humingi ng tulong ngayon:

  • Hirap sa paghinga 
  • Paulit-ulit (walang tigil) na kirot o presyon sa dibdib 
  • Mala-bughaw na labi o mukha 
  • Biglang pagkaramdam ng pagkalito o naguguluhang pag-uugali 
  • Hirap sa pag-gising or pagpapanatiling gising 

Kung mayroon kang iba pang sintomas ng COVID-19, humiling ng appointment sa lab test sa VA o kumuha ng self-test sa bahay. Kung positibo ang iyong resulta, sabihin kaagad sa iyong pangkat ng pangangalagang pangkalusugan. Kung kailangan mo ng paggamot, dapat mong simulan ito nang maaga para ito ay gumana. Ang ilang mga paggamot ay dapat magsimula sa loob ng 5 araw ng iyong mga unang sintomas.

Alamin sa website ng CDC kung anong gagawin kung magkaroon kayo ng COVID-19 (sa English)

Kunin ang mga sagot sa mas maraming katanungan sa pagsusuri patungkol sa COVID-19 sa VA (sa English)

Kung mayroon kayong ibang mga sintomas ng COVID-19, makipag-ugnayan muna kayo sa amin bago pumunta sa isang pangkalusugang pasilidad ng VA. Matutulungan namin maging ligtas kayo at ang iba pa sa pamamagitan ng pag-kontak sa amin muna.

Sundin ang iyong mga sintomas sa pamamagitan ng serbisyo na mensaheng teksto na Annie

Ang serbisyong ito ay makakapagbigay ng payo kung kailan kokontakin ang inyong pangkat na nangangalaga ng kalusugan sa VA o ang nars na taga-payo ng pasilidad. Ito rin ay makabibigay ng unibersal na rekomendasyon para sa iyong kabutihan at mga hakbang upang maprotektahan mo ang iyong sarili. Upang mapakinabangan mo ang serbisyo na ito, pakipag-ugnay sa iyong tagapangalaga ng iyong kalusugan sa VA. O diretso na magpatala para sa serbisyong mensahe ng Annie Coronavirus. 

Mag-sumuskribi kay Annie para sa mga mensahe tungkol sa pag-iwas sa coronavirus (sa English)

Wala akong mga sintomas, ngunit ako ay nababalisa o labis na hindi mapakali. Ano ang pwede kong magawa?

Kauna-unahan, alamin mo na hindi ka nag-iisa. Kami ay nandito para sayo. Ang mga pag-aalala ng dahil sa COVID-19 ay maaaring magbigay ng ligalig sa maraming tao. Gawin mo ang hakbang para pangasiwaan ang iyong pag-aalala at humingi ng tulong. 

Sa pagpapanatili ng iyong kalusugang pangkaisipan, alamin ang iba pang pagmungkahi ng VA (sa English)

Matuto nang higit pa tungkol sa pamamahala ng stress na dulot ng COVID-19 sa website ng CDC (sa English)

Mayroon bang lunas o anumang paggagamot na aprubado ng FDA para sa COVID-19?

Walang lunas para sa COVID-19 sa ngayon. May mga paggagamot para sa COVID-19 ngunit ang panganib ng malubhang sakit at kamatayan ay mataas pa rin sa ilang pangkat ng mga tao.

Makipag-usap sa nangangalaga ng iyong kalusugan bago uminom ng kahit anong gamot sa pag-iwas o gamutan ng COVID-19. 

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa paggamot, tumawag o magpadala ng secure na mensahe sa iyong provider ng VA.

Mas alamin ang tungkol sa mga lunas para sa COVID-19 sa website ng CDC (sa English)

Kunin ang mga sagot sa iyong mga katanungan tungkol sa gamutan para sa COVID-19 (sa English)

Bakit pag-iisipan ko ang pagboluntaryo sa pagsasaliksik ng coronavirus sa VA?

Libu-libong pagsasaliksik ang napag-aaralan sa VA para umigi ang kabutihan at kalusugan ng mga Beterano. Dahil sa kasaysayan na ito, mayroon kaming pangmatagalan na impormasyon para maunawaan ng maiigi kung papaano makakaapekto ang sakit, bakuna, at paglapat ng lunas sa mga Beterano. 

Sa kasalukuyan, kami ay patuloy na humahanap ng mga paraan sa paghalang at pagturing ng COVID-19 sa mga Beterano at ibang tao. Sapagka't ang COVID-19 ay kamakailan, marami pa kaming dapat matutunan tungkol dito. Hindi kami makakatuto kung walang pagsasaliksik, at hindi namin maisagawa ang pagsasaliksik kung walang magboluntaryo na mga tao at lumahok sa pananaliksik.

Bilang kasapi sa pag-aaral sa pananalisik, matutulungan mo kami:

  • Pagbigay ng higit na pag-unawa kung paano makaapekto ang COVID-19 sa iba't-ibang tao
  • Paghanap ng mga paraan upang maiwasan at taratuhin ang COVID-19 para sa iyo, sa  iyong pamilya, at sa pamayanan
  • Pagtiyak na ligtas at epektibo ang mga bakuna at paggamot sa lahat na mga tao na magkaiba ang  edad, kasarian, lahi, at etniko

Bilang kasapi sa pananalisik, kayo rin ay:

  • Makatuto nang mahigit tungkol sa iyong sariling kalusugan
  • Makatanggap ng madalas na panayanan sa pagsusuri sa iyong kalusugan bilang bahagi ng iyong paglahok sa pagsasaliksik.
  • Makatanggap ng maaga sa mga bagong bakuna o paggamot

Mas alamin kung paano magboluntaryo para sa pananaliksik sa coronavirus sa VA (sa English)

Pangangalagang pangkalusugan, mga tipan at iba pa

Mga tipan at antas ng proteksyon ng kalusugan

Ano ang mga patnubay ng mga pangkalusugang pasilidad ng VA patungkol sa panakip?

Ang inyong kalusugan at kaligtasan ang aming prayoridad kapag pumupunta kayo sa isang
pangkalusugang pasilidad ng VA. 

Pagsusuutin kayo ng panakip ng lahat ng pasilidad sa mga lugar na mataas ang panganib tulad ng:

  • Mga yunit ng kimoterapiya
  • Mga yunit ng dayalisis
  • Departamento ng emerhensiya at agarang lunas
  • Mga yunit pagkatapos ng transplant

Kailangan din magsuot ng panakip ang mga taong may COVID-19 o iba pang sakit sa paghinga dulot ng bayrus.

Maaari kayong magsuot ng panakit kahit kailan kung pipiliin nyo. Kung wala kayong panakip, humingi sa aming mga tauhan sa inyong pangkalusugang pasilidad ng VA.

Kung may katanungan kayo patungkol sa pangangailangan ng pagsusuot ng panakip, magpadala ng garantisadong ligtas na mensahe sa inyong pangkat ng pangangalaga o makipag-ugnayan sa inyong pangkalusugang pasilidad ng VA.

Magpadala ng garantisadong ligtas na mensahe sa inyong pangkat ng pangangalaga

Alamin ang website ng pinakamalapit na pangkalusugang pasilidad ng VA (sa English)

Paano ko masusuri ang aking sarili bago magtungo sa VA para sa pangangalaga?

Basahin ang listahang ito ng mga sintomas ng COVID-19:

  • Lagnat o ginaw
  • Ubo o pananakit ng lalamunan
  • Pagkapos ng panghinga o hirap sa paghinga
  • (Matinding) kapaguran
  • Pananakit ng ulo o pananakit ng mga kalamnan
  • Panibagong pagkawala ng panlasa o pang-amoy
  • Baradong ilong o may lumalabas na sipon
  • Alibadbad, pagsusuka o pagtatae

Kung kayo ay nagkaroon ng kahit alin sa mga sintomas na ito sa nakalipas na 48 oras, tumawag muna maliban na lang kung kailangang mo nang matingnan ngayon - kahit na may tipan kayo. Tutulungan namin kayong makuha ang mga kailangang pagsusuri o gamutan para sa COVID-19. O kaya, pumunta kayo sa emerhensiya para magamot laban sa COVID-19.

Paalala: Hindi lang ito ang mga posibleng sintomas ng COVID-19

Alamin sa website ng CDC ang mga sintomas ng COVID-19 (sa English)

Paano ako makakakonekta sa video telehealth na tipan?

Igagawad ng iyong taga-gawad ng kalusugan ang mga tagubilin tungkol sa kung saan pupunta para sa iyong tipanan o appointment sa video. O padadalhan ka nila ng isang link para sumali sa VA Video Connect.

Gamitin ang VA Video Connect para sa teleponong tipanan sa kalusugan (sa English)

Maaari ka ring sumali sa mga tipanan sa video sa pamamagitan ng aming kasangkapan sa pag-gawa ng appointment sa VA (sa English)

Paano kung kanselahin ng VA ang aking tipanan o kaparaanan?

Sinusubukan namin iwasang kanselahin ang mga personal na tipan at mga elektibong kaparaanan sanhi ng COVID-19 hangga’t maaari. Kung kailangan naming kanselahin, sisiguraduhin naming mabibigyan kayo ng nararapat na pangangalagang kailangan ninyo sa lalong madaling panahon.

Kung hindi ka pa nakipag-ugnay sa amin upang muling itakda ang iyong appointment o pamaraang elektibo, mangyaring makipag-ugnay sa amin. Tutulungan ka naming mag-iskedyul ng isang bagong appointment. Maaaring magrekomenda ang iyong taga-gawad ng kalusugan ng isang appointment sa telepono o video para sa ilang mga pangangailangan.

Makipag-ugnay sa inyong tagapagbigay-kalinga para baguhin ang inyong tipanan (sa English) 

Magpadala ng garantisadong ligtas na mensahe sa inyong tagapagbigay-kalinga para baguhin ang takda ng inyong tipan (sa English)

Ano ang kailangan kong malaman tungkol sa mga tipan at sangguni sa pangangalagang komunidad?

Kung mayroon kang nakaiskedyul na paghirang sa tagapagbigay ng pangangalaga sa komunidad

Mangyaring direktang makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng alaga ng iyong kalusugan sa komunidad (hindi VA) bago pumunta sa iyong paghirang. Ang oras ng pagserbisyo ng iyong tagapangalaga ay maaaring nag-iba ng dahil sa kasalukuyang patnubay ng CDC at lokal na kagawarang pangkalusugan.

Kung kinansela ang iyong  paghirang sa iyong tagapagbigay ng alaga ng kalusugan sa komunidad

Pakipag-ugnay sa iyong tagapagbigay ng alaga ng kalusugan sa pagbago ng iskedyul ng iyong paghirang. Sa kasalukuyan, pinapahaba ng VA ang mga pahintulot ng mga tagapagbigay alaga ng kalusugan sa komunidad para sa iba't-ibang uri ng pangangalaga. 

Makipag-ugnay sa amin upang baguhin ang iyong tipanan (sa English)

Kung kailangan mo ng  konsultasyon

Kami ay makikipag-ugnayan sa iyo upang masuri ang iyong mga pangangailangan. Ipagpatuloy namin ang pagpapadala ng konsultasyon sa tagapangalanga ng kalusugan sa komunidad ngunit uunahin namin ang mga kagyat na pangangalaga at malubhang medikal na mga pangangailangan.

Mangyaring tandaan: Kailangan na maayroong kang aproba mula sa VA sa lahat ng iyong paghirang sa tagapagbigay ng alaga ng kalusugan sa komunidad, maliban sa mga kagyat at emerhensya na mga pangangailangan. Ang pagkuha ng konsultasyon ay magdepende sa iyong kwalipikasyon, uri ng pangalaga, at iba pang mga dahilan. Sa kasalukuyan, walang pagbabago sa mga kinakailangan at kwalipikasyon upang makakuha ng pangangalaga sa komunidad.  

Alamin dito ang kwalipikasyon para makakuha ng pangangalaga sa komunidad (sa English)

Mga reseta

Paano ko muling punan ang aking mga reseta?

Mangyaring humiling na punan ang reseta ng gamot sa lalong madaling panahon, ngunit hindi lalampas sa 10 araw bago mo kailanganin ng mas maraming gamot.

Para makasiguro ipinadala namin ang iyong mga reseta sa tamang address, mangyaring siguraduhin din na mayroon kaming kasalukuyang address sa koreo na nakalista sa iyong personal na talaan ng VA.gov. Kung kailangan mo, maaari kang magpunta at mag-sign in upang baguhin ang iyong address sa online.

Suriin ang inyong tirahan sa inyong profile sa VA.gov (sa English)

Paalala: Kung kasalukuyan na naipadala sa iyo ang iyong reseta sa pamamagitan ng koreo, magpapatuloy kang maka-tatanggap ng iyong mga kahilingan sa pag-punan ng reseta tulad ng normal.

Kailangan mong aktibong hilingin ang iyong pagpunan ng reseta sa isa sa mga paraang ito:

Para sa mga katanungan tungkol sa iyong mga reseta, magpadala ng isang ligtas o secure na mensahe sa iyong pangkat ng pangangalaga ng kalusugan sa pamamagitan ng My HealtheVet.  Maaari ka ring tawagan ang iyong lokal na sentro ng medisina ng VA.

Magpadala ng ligtas na mensahe upang tanungin ang inyong pangkat ng pangangalaga ng kalusugan tungkol sa inyong mga reseta (sa English)

Paano ako makakakuha ng higit pang mga refill o pagpunan para sa aking reseta?

Maaari kang humiling ng isang panibagong reseta sa isa sa mga paraang ito:

Kung ang iyong panibagong reseta ay nangangailangan ng isang pagsusuri sa sarili

Kung kailangan mag-panibago ang isang reseta para sa isang gamot na nangangailangan muna ng isang pansariling pagsusuri, pansamantalang nai-update namin ang aming patakaran upang payagan ang ganitong uri ng pagsusuri sa pamamagitan ng tipanan o appointment sa telehealth (telepono o video).

Upang humiling ng isang tipanan sa telehealth para sa isang pag-renew o panibago ng reseta, magpadala ng isang ligtas o secure na mensahe sa iyong taga-gawad kalusugan.

Magpadala ng ligtas na mensahe sa inyong tagapagbigay-kalinga sa VA upang humiling ng tipanan telepono para sa kalusugan (sa English)

Mga kabahaging-bayad at pagiging karapat-dapat sa pangangalaga sa kalusugan ng VA

Kailangan ko bang bayaran ang kabahaging-bayad sa pangangalaga ng kalusugan ng VA sa ngayon?

Kinansela at ibinalik namin ang mga kabahaging-bayad para sa lahat ng medikal na pangangalaga at parmasiyang serbisyo na natanggap sa pamamagitan ng VA sa pagitan nang Abril 6, 2020, at Setyembre 30, 2021. Itinigil din namin ang pangongolekta ng mga hindi nabayarang kabahaging-bayad para sa mga serbisyo at gamot na natanggap bago noong Abril 6, 2020, sa ngayon. Ginawa namin ito upang makapagbigay-kaluwagan sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

Simula Oktubre 1, 2021, nagsimula ulit kaming mangolekta ng kabahaging-bayad. Patuloy kaming nag-aalok ng pinansiyal na tulong para sa kahirapan. Kung may katanungan, makipag-ugnayan sa Health Resource Center sa 866-400-1238 (TTY: 711). Kami ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, oras sa Silangan.

Alamin kung paano babayaran ang inyong bayarin mula sa kabahaging-bayad o humingi ng tulong (sa English)

Makakuha ng mga sagot sa higit pang mga tanong tungkol sa COVID-19 na kaluwagan sa utang na medikal (sa English)

Kung nawalan ako ng trabaho o segurong pangkalusugan, maaari ba akong makakuha ng pangangalaga sa kalusugan ng VA?

Ang kwalipikasyon sa pagkuha ng pangangalaga ng kalusugan sa VA ay batay sa iba't-ibang dahilan, tulad ng serbisyong pangmilitar, kalagayan sa pagtitiwalag, at kung mayroon kang kapansanan na konektado sa iyong serbisyo.  

Kung nawalan ka ng trabaho o nabawasan ang iyong kita, ang iyong katayuan sa kwalipikasyon ay maaaring maparagdagan batay sa iyong kita. Ibig sabihin, ang iyong aplikasyon para makatanggap ng alaga sa kalusugan ng VA ay inilagay sa prayoridad, at malamang na makakakuha ka ng benepisyo, at makakaapekto kung magkano (kung maayroon man) ang iyong ibabayad sa iyong pag-aalaga. 

Alamin ang mga kwalipikasyon sa pangangalaga ng kalusugan sa VA (sa English)

Alamin kung paano mag-apply para sa pangangalagang pangkalusugan ng VA (sa English)

Kung hindi ka kwalipikado sa pangangalaga ng kalusugan sa VA, maaari pa rin na ikaw ay makakuha ng pangangalaga.

Tumawag sa amin sa 800-827-1000 (TTY: 711) para malaman mo kung ano ang mga pagpipilian sa pagbigay ng iyong pangangalaga. Narito kami mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 9:00 p.m. ET.

Kung nawalan ako ng trabaho, maaari ba akong makakuha ng tulong para sa aking mga VA copay?

Oo. Kung ikaw ay nahihirapan ng dahil sa mga paghamon ng buhay tulad ng pagkawalan ng trabaho, biglang pagbaba ng sweldo, o pagtaas ng mga personal na gastos para sa pangangalaga ng kalusugan sa iyong pamilya, maaari kaming makakatulong sa iyo. Pwede kang maghiling ng pampinansyal na tulong para mapamahalaan sa kasalukuyan ang bahagi ng pagbayad sa iyong utang, o maghiling ka ng eksempsyon sa pagbayad sa iyong co-pay sa hinaharap. 

Alamin ang ibang impormasyon tungkol sa paghiling ng pampinansyal na tulong dahil sa kahirapan sa pananalapi (sa English)

Panoorin ang bidyo tungkol sa mga maaaring gawin sa kahirapang pinansiyal (YouTube) (sa English)

Maaari ka ring tumawag sa aming Health Resource Center sa 866-400-1238 (TTY: 711) upang makipag-usap tungkol sa ibang mga pamamaraan. 

Mga pagbabayad sa benepisyo, paghahabol, pagsusulit sa paghahabol, at iba pang mga serbisyo

Kasalukuyang mga benepisyo at bayad

Maantala ba ang aking bayad sa benepisyo dahil sa COVID-19?

Hindi. Kasalukuyan naming pinoproseso ang lahat ng mga pagbabayad ng benepisyo bilang normal. Kasama rito ang mga pagbabayad para sa kapansanan, pensiyon, pagbabayad sa edukasyon sa iyong paaralan, at higit pa.

Tingnan ang iyong mga pagbabayad ng benepisyo ng VA online (sa English)

Mga paghahabol at aplikasyon

Maaari pa ba akong mag-habla ng isang paghahabol o makakuha ng tulong mula sa aking panrehiyong tanggapan?

Oo. Pansamantalang isinara namin ang lahat ng aming 56 mga tanggapan ng rehiyon para sa mga pagdalaw na personal dahil sa COVID-19. Sa oras na ito, ang ilang mga tanggapan ay muling nagbukas na may limitadong oras at serbisyo. Ang mga tanggapan na ito ay maaaring i-screening ang mga bisita para sa mga sintomas ng COVID-19. Kinakailangan namin ang lahat na pumapasok sa isang pasilidad ng VA na magsuot ng maskara na tumatakip sa kanilang bibig at ilong.

Para sa iyong kaligtasan at kaginhawaan, patuloy kaming nag-aalok ng tulong sa online at sa telepono. Mangyaring tawagan muna upang kumpirmahin ang mga serbisyo o magtanong tungkol sa pagkuha ng tulong sa pamamagitan ng telepono o video.
Maghanap ng isang tanggapan ng rehiyon ng VA (sa English)

Upang mag-habla ng isang paghahabol para sa mga benepisyo ng VA:

Maaari ka pa ring mag-habla ng isang paghahabol sa online, sa pamamagitan ng koreo, o sa tulong ng isang bihasang propesyonal. At masasagot pa rin namin ang iyong mga katanungan sa pamamagitan ng telepono at sa pamamagitan ng aming kagamitan sa serbisyo sa mga online na customer. Patuloy din kaming sumusuporta sa mga serbisyong tulad ng pang-edukasyon na pagpapayo, pagkolekta ng impormasyon para sa mga fiduciary claim, at espesyal na umaangkop na tulong sa pabahay sa pamamagitan ng telepono o mga naaprubahang kagamitan sa pagkumperensya sa video.

Upang makakuha ng tulong sa mga benepisyo sa edukasyon:

Tumawag sa 888-442-4551 (TTY: 711) na walang bayad. Narito kami mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 7:00 p.m. ET. 

Upang makakuha ng tulong sa iba pang mga benepisyo:

Tumawag sa 800-827-1000 (TTY: 711) na walang bayad. Narito kami mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 9:00 p.m. ET. 

Upang suriin ang katayuan ng inyong apela:

Gamitin ang aming tool na online claim status (sa English)

Upang manatiling updatedsa  mga pagsasara o pagkagambala sa serbisyo:

VBA Facebook
VBA Twitter: @VAVetBenefits

Gumagawa pa rin ba ang VA ng mga pagsusuri tungkol sa paghahabol (tinatawag ding mga pagsusuri tungkol sa kompensasyon at pensiyon)?

Oo. Kami ay muling nag-aalok ng mga personal na pagsusuri sa paghahabol sa lahat ng lokasyon sa U.S. Kung nakatira ka sa labas ng U.S., ang opsyon ng isang personal na pagsusuri ay depende sa lokal na gabay sa COVID-19. Makikipagtulungan kami sa iyo upang iiskedyul ang iyong pagsusuri at sabihin sa iyo kung ano ang aasahan.

Gumagawa pa rin kami ng mga pagsusuri sa telehealth sa pamamagitan ng telepono o video. At gumagawa kami ng higit pang mga pagsusuri na Acceptable Clinical Evidence (ACE). Nangangahulugan ito na susuriin namin ang ga mayroon nang mga rekord ng medikal. Kami ay makikipag-ugnayan sa inyo para sa karagdagang impormasyon kung kinakailangan, sa halip na mangangailangan ng isang personal o pagsusulit sa telehealth.

Alamin ang higit pa tungkol sa mga pagsusuri sa paghahabol (sa English)

Paano kung kailangan o kasalukuyang mayroon nang in-person check-up o personal na pagsusuri na nasa benepisyo o serbisyo ng VA?

Pansamantalang isinara namin ang aming mga panrehiyong tanggapan at tumigil para in-person check-up dahil sa COVID-19. Sa panahon na ito, ang ilang mga tanggapan ay muling nagbukas na may limitadong oras at serbisyo. Ang mga tanggapan na ito ay magsusuri ng mga bisita para sa mga sintomas ng COVID-19. Kinakailangan namin ang lahat na pumapasok sa pasilidad ng VA na magsuot ng mask o panakip sa kanilang bibig at ilong.

Para sa inyong kaligtasan at kaginhawaan, patuloy kaming nag-aalok ng tulong sa online at sa telepono. Mangyaring tumawag muna sa VA upang kumpirmahin ang mga serbisyo o magtanong tungkol sa pagkuha ng tulong sa pamamagitan ng telepono o video.

Paghanap ng tanggapan ng VA sa inyong rehiyon (sa English)

Pagkuha ng tulong sa online o sa pamamagitan ng telepono:

Gumagamit kami ng mga serbisyong virtual para sa appointments at sa mga aktibidad nakakapagbigay benepisyo sa pamamagitan ng telepono, online o kaya video gamit ang VA Video Connect o iba pang aprubadong paraan sa pagpupulong. Kapag naka-iskedyul na ang iyong appointment, makakatanggap ka ng VA Video Connect link.

Humingi ng VA Video Connect para sa mga virtual na tipanan (sa English)

Makikipagtulungan kami sa iyo upang baguhin ang inyong in-person check-up o personal appointment sa ivirtual na appointment sa mga benepisyo at serbisyo tulad ng:

  • Pagiging handa ng Beterano at Pagtatrabaho (VR&E)

  • Kabanata 36 pang-edukasyon at pagpapayo sa Career o Karera

  • Mga tagapag-ugnay ng serbisyo sa militar

  • Mga pautang sa bahay: Nakikipagtulungan kami sa mga lender o nagpapahiram at appraiser o tagasuri upang mag-alok ng mga pansamantalang opsyon upang ipagpatuloy ang pagproseso at pagsasara ng mga pautang. Maaari kang magpatuloy na makipag-ugnayan sa inyong lender o nagpapahiram upang sundin ang mga batas ng estado at lokal para sa pag-notaryo ng mga dokumento. At maaari kang magtalaga ng abugado (Power of Attorney) upang pumirma ng mga dokumento sa iyong ngalan.

  • Espesyal na Inangkop na mga gawad sa Pabahay: Maaaring matulungan ka ng aming tauhan na makumpleto ang proseso ng aplikasyon (Grant application) sa pamamagitan ng telepono, video, at email.

  • Katiwala mga paghahabol: Maaari kaming magsagawa ng pagsusuri patlang sa pamamagitan ng telepono. Sa mga kasong hindi naaangkop ang  pagsusulit sa telepono, maaari kaming magsagawa ng pagsusulit sa pamamagitan ng VA Video Connect. Ang aming mga tauhan ay makikipag-ugnay sa inyo upang mag-set up ng telephone o video exam.

  • Transisyonal na tulong: Maaaring sundan ang VA Transition and Assistance Program (TAP) na kurikulum at iba pang modyul sa pag-aaral sa online. Gamitin ang inyong Common Access Card (CAC) para makapasok sa kurso (number TGPS-US006) sa pamamagitan ng webiste na Department of Defense’s (DoD) Joint Knowledge Online. Gamitin ang Common Access Card- (CAC-) upang makapunta sa kurso (numero na TGPS-US006) sa pamamagitan ng Kagawaran ng Joint Knowledge Online.

    Pumunta sa website ng DoD’s Joint Knowledge Online (sa English)

    Maaari mo rin siyasatin sa online ang mga benepisyo at serbisyo ng VA. Para sa karagdagang tulong sa telepono, itanong sa inyong tagapamahala ng DOD TAP na iugnay kayo sa isang benepisyong tagapayo ng VA.

    Siyasatin sa online ang mga benepisyo at serbisyo ng VA (sa English)

Mangyaring makipagtulungan sa iyong kinatawan ng VA para i-reschedule ang inyong mga tipanan. Sa inyong mga katanungan, tawagan ang numerong 800-827-1000 (TTY: 711). Narito kami mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 9:00 p.m. ET.

Kailangan ko bang magsuot ng panakip sa mga opisina ng VA sa rehiyon at iba pang di-pangkalusugang lokasyon?

Ang bawat lokasyon ay babaguhin ang patakaran patungkol sa panakip kung kailangan. Halimbawa, kung mataas ang antas ng hawaan ng coronavirus sa inyong kondado, ang lahat ay kailangang magsuot ng panakip.

Maghandang magsuot ng panakip sa kahit anong lokasyon ng VA. Ipapaliwanag ng aming tauhan ang patakaran sa pagsusuot ng panakip sa naturang lokasyon pagdating ninyo.

Maaari rin kayong magsuot ng panakip kahit kailan kung nais ninyo. At kailangan ninyong magsuot ng panakip kung mayroon kayong sintomas ng COVID-19, o kung nagpositibo kamakailan lang, o may nakasamang may COVID-19.

Utang, copay, at iba pang mga alalahanin sa pananalapi

Benepisyo at mga utang na kabahaging bayad

Kailangan ko bang bayaran ang mga kabahaging-bayad para sa pangangalaga ng kalusugan sa VA sa ngayon?

Kinansela at ibinalik namin ang mga kabahaging-bayad para sa lahat ng medikal na pangangalaga at parmasiyang serbisyo na natanggap sa pamamagitan ng VA sa pagitan nang Abril 6, 2020, at Setyembre 30, 2021. Itinigil din namin ang pangongolekta ng mga hindi nabayarang kabahaging-bayad para sa mga serbisyo at gamot na natanggap bago noong Abril 6, 2020, sa ngayon. Ginawa namin ito upang makapagbigay-kaluwagan sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

Simula Oktubre 1, 2021, nagsimula ulit kaming mangolekta ng kabahaging-bayad. Patuloy kaming nag-aalok ng pinansiyal na tulong para sa kahirapan. Kung may katanungan, makipag-ugnayan sa Health Resource Center sa 866-400-1238 (TTY: 711). Kami ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, oras sa Silangan.

Alamin kung paano babayaran ang inyong bayarin mula sa kabahaging-bayad o humingi ng tulong (sa English)

Makakuha ng mga sagot sa higit pang mga tanong tungkol sa COVID-19 na kaluwagan sa utang na medikal (sa English)

Paano kung hindi ko mababayaran ang kasalukuyang utang sa VA?

Upang makatulong sa pangpinansiyal na kaluwagan sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, itinigil namin ang koleksyon ng lahat ng mga bagong utang na benepisyo ng VA sa pagitan ng Abril 6, 2020 at Setyembre 30, 2021. Nag-alok din kami na itigil ang koleksyon sa mga utang bago noong Abril 6, 2020, pati na rin ang mga naisaayos na pagbabayad.

Simula Oktubre 1, 2021, nagsimula ulit kaming magpadala ng mga abiso patungkol sa utang. Ipapadala namin ang mga abiso sa susunod na mga buwan. Patuloy kaming nag-aalok ng mga pagbabayad muli ng mga utang at mga opsyon para sa kaluwagan.

Kunin ang pinakabagong balita tungkol sa utang-kaluwagan sanhi ng COVID-19 (sa English)

Para sa mga utang na may kinalaman sa benepisyong VA: Tumawag sa aming Debt Management Center sa 800-827-0648 (o sa +1-612-713-6415 mula sa ibang bansa), Lunes hanggang Biyernes, 7:30 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, oras sa Silangan. O kaya, makipag-ugnayan sa amin online sa Ask VA (sa English).

Alamin kung paano pamamahalaan ang utang sa benepisyo sa VA (sa English)

Para sa utang na may kinalaman sa medikal na pangangalaga o serbisyong parmasiya: Tumawag sa aming Health Resource Center sa 866-400-1238 (TTY: 711), mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, oras sa Silangan.

Alamin kung paano babayaran ang inyong bayarin mula sa kabahaging-bayad o humingi ng tulong (sa English)

Paano kung nagkakaproblema ako sa pagbabayad ng aking direkta o pautang sa bahay na sinusuportahan ng VA sa panahon ng COVID-19?

Kung nakakaranas ka ng paghihirap sa pananalapi dahil sa direkta o hindi direkta na may kaugnayan sa COVID-19, tawagan kaagad ang iyong tagapaglingkod sa pautang upang humiling ng plano sa pagpapahintulot sa mortgage o isang plano sa pagbabayad ng utang sa pabahay sa panahon ng COVID. Ang iyong tagapaglingkod sa pautang ay ang kumpanya na nangongolekta ng bayad sa pautang sa pabahay o utang sa bahay sa VA pautangsa bahay.

Ang pagpapasensya sa mortgage ay programa ng VA na pinahihintulutang bawasan ang halaga ng buwanang pagbayad sa utang sa pabahay o pansamantalang ihinto ang pagbayad sa limitadong panahon. Pinagpapaliban din ang “Late fee” at iba pang parusa sa hindi pagbayad sa tamang oras o panahon. Sa ilalim ng kamakailang batas, maaari kang humiling o umapela ng hanggang sa 12 buwan na panahon sa para a VA direkta o VA pautang utang sa bahay.

Paalala: Ang “Mortgage Forbearance” ay hindi ibig sabihin na mababawasan ang iyong utang sa pabahay o patatawarin ang buong utang sa pabahay. Kinakailangan na makipagtulungan sa inyong tagapaglingkod sa pautang sa mga huling buwan ng “Mortgage Forbearance” upang makapagplano ng panibago sa pautang sa bahay.  

Kung mayroon kang pautang sa bahay na sinusuportahan ng VA

Tumawag sa 877-827-3702 (TTY: 711) upang makipag-usap sa isang kinatawan ng pautang sa bahay ng VA upang humiling ng isang “Mortgage Forbearance plan” o iba pang tulong. Narito kami mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. ET.

Kung mayroon kang isang Native American Direct Loan  (NADL)

Ang iyong tagapaglingkod sa pautang ay ang BSI Financial Services. Upang humiling ng isang plano sa pagtitiis o “Mortgage Forbearance Plan,” makipag-ugnayan sa  koponan ng BSI na nagpapaubaya ng resolusyon sa pumalyang pautang sa 800-327-7861 (TTY: 711) o customercare@bsifinancial.com

Maaari ka ring tumawag sa 877-827-3702 upang makipag-usap sa isang kinatawan ng VA home loan tungkol sa iba pang mga paraan na maaari ka naming matulungan.

Makuha ng impormasyon upang matulungan kayong maiwasan ang foreclosure ay makikita sa website (sa English)

Makakakuha ng karagdagang tulong mula sa Consumer Financial Protection Bureau (CFPB):

Kung nawalan ako ng trabaho, maaari ba akong makakuha ng tulong para sa aking mga VA copay?

Oo. Kung ikaw ay nahihirapan ng dahil sa mga paghamon ng buhay tulad ng pagkawalan ng trabaho, biglang pagbaba ng sweldo, o pagtaas ng mga personal na gastos para sa pangangalaga ng kalusugan sa iyong pamilya, maaari kaming makakatulong sa iyo. Pwede kang maghiling ng pampinansyal na tulong para mapamahalaan sa kasalukuyan ang bahagi ng pagbayad sa iyong utang, o maghiling ka ng eksempsyon sa pagbayad sa iyong co-pay sa hinaharap. 

Alamin ang ibang impormasyon tungkol sa paghiling ng pampinansyal na tulong dahil sa kahirapan sa pananalapi (sa English)

Panoorin ang video tungkol sa mga paraan ng pagmamahala ng dahil sa paghihirap sa pananalapi (YouTube) (sa English)

Maaari ka ring tumawag sa aming Health Resource Center sa 866-400-1238 (TTY: 711) upang makipag-usap tungkol sa ibang mga pamamaraan. 

Ibang pang mga alalahanin sa pananalapi

Nawalan ako ng trabaho, maaari ba akong makakuha ng pangangalagang pangkalusugan sa VA?

Ang kwalipikasyon sa pagkuha ng pangangalaga ng kalusugan sa VA ay batay sa iba't-ibang dahilan, tulad ng serbisyong pangmilitar, kalagayan sa pagtitiwalag, at kung mayroon kang kapansanan na konektado sa iyong serbisyo.  

Kung nawalan ka ng trabaho o nabawasan ang iyong kita, ang iyong katayuan sa kwalipikasyon ay maaaring maparagdagan batay sa iyong kita. Ibig sabihin, ang iyong aplikasyon para makatanggap ng alaga sa kalusugan ng VA ay inilagay sa prayoridad, at malamang na makakakuha ka ng benepisyo, at makakaapekto kung magkano (kung maayroon man) ang iyong ibabayad sa iyong pag-aalaga. 

Alamin ang mga kwalipikasyon sa pangangalaga ng kalusugan sa VA (sa English)

Alamin kung paano mag-apply para sa pangangalagang pangkalusugan ng VA (sa English)

Kung hindi ka kwalipikado sa pangangalaga ng kalusugan sa VA, maaari pa rin na ikaw ay makakuha ng pangangalaga.

Tumawag sa amin sa 800-827-1000 (TTY: 711) para malaman mo kung ano ang mga pagpipilian sa pagbigay ng iyong pangangalaga. Narito kami mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 9:00 p.m. ET.

Paano kung wala akong tahanan o nanganganib na mawala sa aking ang tahanan ko?

Kami ay nag-aalok ng iba't-ibang programa at serbisyo na makakatulong sa iyo, tulad ng libreng pangangalaga ng iyong kalusugan, at sa ilang mga kaso, libreng pangangalaga ng ipin. Maaari din kaming makakatulong sa iyo sa pakikipag-ugnayan sa mga mapagkukunan sa iyong komunidad, tulad ng tirahan at kapisanan or samahan ng pananampalantaya.

Hanapin ang suporta na iyong kinakailangan:

Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili laban sa mga iskam o manloloko na nauugnay sa coronavirus?

Ang pandemiyang coronavirus ay nagdadala ng bagong paraan ng pandaraya, kabilang sa stimulus na tseke, paggamit online, mga pangako ng bagong paggamot, at donasyon sa kawanggawa.

Sa kasalukuyan, maaari mong gawin ang mga hakbang na ito upang maprotektahan ang iyong pagkakakilanlan at pananalapi:

Pabababain ba ng aking sa pampasigla tseke COVID-19 ang aking mga pagbabayad sa VA?

Hindi. Hindi namin bibilangin ang perang matatanggap bilang bahagi ng inyong kita sa COVID-19 stimulus package sa kabayaran sa kapansanan sa VA, indibidwal na kawalan ng trabaho (TDIU), pensiyon ng VA, o mga benepisyaryo ng Dependency and Indemnity Comprehensive (DIC). Nangangahulugan na mananatiling pareho pa rin ng dati sa pagbabayad. Walang pagbabago. 

Katayuan ng mga pambansang sementeryo at libingan ng VA

Bukas ba ang mga pambansang sementeryo ng VA?

Oo. Ang mga nasyonal na sementeryo ng VA ay mananatiling bukas ngunit, para sa kaligtasan ng mga empleyado at bisita, hinihiling namin sa mga bisita na sundin ang patakaran hinggil sa pisikal na distansya at mga paghihigpit sa paglalakbay batay sa mga alituntunin ng CDC at lokal na departamento ng kalusugan.

Ang ibang mga lugar sa sementeryo ay maaaring sarado sa publiko. Makipag-ugnay sa inyong lokal na sementeryo para sa mas detalyadong impormasyon.

Ang impormasyon sa kasalukuyang operasyon ng bawat sementeryo (sa English)

Maaari pa ba akong mag-iskedyul ng libing sa pambansang sementeryo?

Oo. Upang mag-iskedyul ng isang libing o burol, makipag-ugnayan sa Opisina ng National Cemetery sa  800-535-1117 (TTY: 711). Ang mga nasyonal na sementeryo ng VA ay mananatiling bukas para sa mga Beterano at kanilang mga dependents.

Dapat sundin ng mga kapamilya ang lahat ng mga patakaran para sa kaligtasan ng COVID-19 katulad ng limistasyon sa bilang ng mga dadalo, pagsusuot ng mask, at pisikal na distansya. 

Sa karagdagang impormasyon ukol sa kaligtasan ng sementeryo (sa English)

Kung nais mong kanselahin o ipagpaliban ang isang libing na naka-iskedyul na, mangyaring direktang makipag-ugnay sa sementeryo upang kanselahin ang serbisyo at itakda ito sa ibang araw.

Maaari ba akong mag-iskedyul ng isang dasal o isang serbisyong parangal sa libing ng militar?

Oo. Kami ay nagpapaubaya ng dasal/ritual sa burol at memorial para sa karamihan ng mga sementeryo ng VA. Nakikipag-ugnayan ang VA sa mga pamilya na hindi nakapag ayos ng serbisyo dahil sa pandemya. Ang mga parangal sa militar (military honors) ay nakadepende sa mga lokal.

Dapat sundin ng mga pamilya ang lahat ng mga patakaran para sa kaligtasan ng COVID-19 para sa limitasyon sa bilang ng mga dadalo sa serbisyo, pag aayos ng mga bulaklak, pagsusuot ng mask, at distansyang pisikal. 

Matuto nang higit pa tungkol sa mga kinakailangan sa kaligtasan ng sementeryo ng VA (sa English)

Ang mga kundisyon at paghihigpit sa mga lokal na sementeryo ay maaaring magbago ayon sa mga alituntunin at utos ng estado, lokal, at pederal. Makipag-ugnay sa inyong lokal na sementeryo para sa mas detalyadong impormasyon.

Kumuha ng mga impormasyon o update ukol sa operasyon ng bawat  pambansang sementery ng VA (sa English)

Hanapin ang iyong lokal na sementeryo ng VA (sa English)