Mga bakuna sa COVID-19 sa VA
Kami ay nag-aalok ng mga bakuna sa COVID-19 sa mga kwalipikadong Beterano nang walang bayad. Basahin ang pahinang ito upang malaman kung paano makakakuha ng iyong bakunang COVID-19 sa VA. At kunin ang pinakabagong mga pag-update ng bakuna sa VA at mga sagot sa mga karaniwang katanungan.
Mga pinakabagong update: Nobyembre 4, 2024
Bagong gabay para sa 2024-2025 na mga bakuna
Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ang lahat ng nasa hustong gulang ay kumuha ng ng na-update na 2024-2025 COVID-19 na bakuna. Bago ka pumunta sa pasilidad ng kalusugan ng VA para kumuha ng bakuna para sa COVID-19, tumawag para matiyak na ang pasilidad ay mayroong bakunang gusto mo.
Patnubay para sa mga nasa hustong gulang na nasa edad na 19 hanggang 64 na nagpabakuna para sa COVID-19 bago
Magpabakuna ng 1 dosis ng 2024-2025 na bakuna (Moderna, Pfizer-BioNTech, o Novavax).
Patnubay para sa mga nasa hustong gulang na nasa edad na 19 hanggang 64 na nagpabakuna para sa COVID-19 bago
Kung hindi ka nagpabakuna laban sa COVID-19 dati, pumili ng isa sa mga opsyong ito:
- Magpabakuna ng 1 dosis ng 2024-2025 Moderna o Pfizer-BioNTech COVID-19 na bakuna, o
- Kumuha ng 2 dosis ng bakunang Novavax COVID -19 sa ng 2024 -2025 na hindi bababa sa 3 linggo ang pagitan
Patnubay para sa mga nasa hustong gulang na nasa edad 65 pataas
Kumuha ng 2 dosis ng isang bakuna sa 2024 -2025 (Moderna, Pfizer-BioNTech, o Novavax) na may pagitan na 6 na buwan.
Tandaan: Kung hindi pa kayo dating nagpabakuna para sa COVID -19 at pinili ninyong magpabakuna ng Novavax para sa inyong unang 2 dosis, dapat kayong makakuha ng 1 pang dosis ng anumang bakuna para sa COVID -19 sa 2024 -2025 pagkalipas ng 6 na buwan.
Gabay para sa mga nasa hustong gulang na may ilang partikular na kondisyon sa kalusugan na nagpapahina sa iyong immune system
Kung dati kayong nagpabakuna para sa COVID -19, dapat kayong makakuha ng hindi bababa sa 2 dosis ng isang bakuna sa 2024 -2025 (Moderna, Pfizer-BioNTech, o Novavax) na may pagitan na 6 na buwan. Maaari rin kayong maging karapat - dapat na makakuha ng mga karagdagang dosis. Tanungin ang inyong provider kung gaano karaming dosis ang inirerekomenda niya para sa inyo.
Kung hindi pa kayo dating nagpabakuna para sa COVID -19, pumili muna ng isa sa mga opsyon na ito:
- Kumuha ng 3 dosis ng bakunang Moderna o Pfizer - BioNTech ng 2024 -2025, o
- Kumuha ng 2 dosis ng bakuna sa Novavax 2024 -2025
Pagkatapos ay kumuha ng 1 pang dosis ng anumang bakuna sa 2024 -2025 (Moderna, Pfizer-BioNTech, o Novavax) pagkalipas ng 6 na buwan. Pagkatapos nito, maaari rin kayong maging karapat - dapat na makakuha ng karagdagang dosis ng isa sa mga bakunang ito. Tanungin ang iyong provider kung gaano karaming dosis ang inirerekomenda niya para sa inyo.
Sino ang makakakuha ng bakuna laban sa COVID-19 sa VA
Kami ay na-aalok ng mga bakuna para sa COVID-19 sa lahat ng Beterano na naka-enroll sa kalusugan ng VA. Kabilang dito ang mga Beterano na nakatira o naglalakbay sa labas ng U.S. at karapat-dapat para sa VA Foreign Medical Program.
Mas alamin ang sa VA Foreign Medical Program (sa English)
Mas maraming impormasyon kung sino ang makakakuha ng bakuna
Maaari ba akong magpabakuna laban sa COVID-19 kung ako ay buntis, may planong mabuntis o nagpapasuso?
Opo. Mahigpit na inirerekomenda ng CDC at ng iba pang mga eksperto na ang mga buntis, may planong mabuntis o nagpapasuso ay mabakunahan laban sa COVID-19.
Mataas ang panganib na magkasakit ng malubha mula sa COVID-19 ang mga buntis. Ibig sabihin ng malubhang sakit ay ang pagkakaospital, kailangan ng respirador para makahinga o sakit na maaaring ikamatay. Mataas rin ang panganib na mapaanak ng kulang sa buwan.
Makakatulong ang bakuna laban sa COVID-19 na maprotektuhan kayo. At naniniwala ang mga eksperto na ligtas gamitin ang bakuna laban sa COVID-19 ng mga buntis, may planong mabuntis o nagpapasuso.
Mas alamin ang tungkol sa bakuna laban sa COVID-19 habang buntis o nagpapasuso
Dapat ba akong magpabakuna para sa COVID-19 kung nagka-COVID-19 na ako?
Opo. Ipinapakita ng datos na mula sa klinikal na pagsubok na ligtas ang 3 awtorisadong bakuna sa COVID-19 sa mga taong nahawahan na na virus na nagdudulot ng COVID-19.
Kung kasalukuyan kayong may sakit dahli sa COVID-19, kailangan ninyong maghintay hanggang sa gumaling kayo, at hanggang sa tapos na kayo sa pagbubukod bago makapagpabakuna.
Maaari ba akong sabay na mabakunahan laban sa COVID-19 at trangkaso?
Opo. Mababakunahan kayo laban sa COVID-19 at trangkaso nang sabay. Narito ang mga rekomendasyon ng CDC:
- Kung hindi pa kayo nababakunahan ng rekomendadong dosis ng bakuna laban sa COVID-19, magpabakuna na kayo agad sa lalong madaling panahon.
- Pilitin ninyong mabakunahan laban sa trangkaso bago matapos ang Oktubre. Mahalag ang bakuna laban sa trangkaso bilang proteksyon ninyo at ng inyong pamilya kada taon.
Paalala: Tanging ang mga Beterano na nakatala sa pangangalagang pangkalusugan ng VA ang maaaring makakuha ng mga bakuna laban sa trangkaso sa mga pasilidad ng kalusugan ng VA. Tumawag muna bago pumunta upang matiyak na ang pasilidad ay may parehong bakuna.
Mas alamin ang tungkol sa mga bakuna laban sa trangkaso at COVID-19 sa website ng CDC (sa English)
Paano kumuha ng COVID-19 na bakuna sa VA
Hinihikayat ka naming manatiling napapanahon sa lahat ng iyong mga inerekomendang bakuna. Ito ang pinakamabisang paraan upang maprotektuhan kayo, ang inyong pamilya at ang inyong komunidad laban sa COVID-19. Ito ay lalong mahalaga dahil may mga ibang klaseng coronavirus ang mabilis na kumakalat ngayon sa Estados Unidos.
Paano makakuha ng bakuna para sa COVID-19
Kami ay nag-aalok ng mga bakuna sa COVID-19 sa lahat ng Beterano na naka-enroll sa pangangalagang pangkalusugan ng VA at karapat-dapat para sa bakunang COVID-19 batay sa mga rekomendasyon ng CDC.
- Hanapin ang pasilidad ng VA na merong oras para kayo ay mag walk-in sa kanilang klinida para sa Covid-19 kahit walang appointment. Hindi lahat ng pasilidad ay nagbibigay ng bakuna kung wala kayong appointment. Siguraduhin muna sa website ng pasilidad kung sila ay nagbibigay ng bakuna kahit wala kang appointment bago kayo pumunta. Pagdating ninyo, maaaring, maghintay muna habang inihahanda ng staff o clerk o tauhan ang inyong bakuna.
- O kaya ay tumawag sa kalusugang pasilidad ng VA na nag-aalok ng bakuna para maitakda *ang inyong appointment. Matutulungan kayo ng aming staff na humanap ng appointment na madali para sa inyo.
Narito ang kailangang malaman bago pumunta:
- Hindi lahat ng pasilidad ng kalusugan ng VA ay may kumpletong bakuna sa ngayon. At maaari ring iba-iba ang bakunang iniaalok ng pasilidad sa ibang panahon. Tiyakin na ang pasilidad ay may bakunang kailangan ninyo bago kayo pumunta.
- Ang lahat ng pumapasok sa pasilidad ng VA ay kailangang magsuot ng panakip sa ilong at bibig at kumpletuhin ang mga katanungan para sa mga symptoms o sintomas patungkol sa COVID-19.
Mas maraming impormasyon tungkol sa pagkuha ng iyong bakuna sa VA
Nasa sa inyo kung nais ninyong mabakunahan o hindi. Hindi makakaapekto ang inyong desisyon sa iyong pangangalaga ng kalusugan sa VA at sa inyong mga benepisyo sa kahit anong paraan.
Kung may mga katanungan kayo bago magpasiyang mabakunahan:
Mas alamin ang tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19
Mas alamin ang tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 habang buntis o nagpapasuso
Magpadala ng garantisadong ligtas na mensahe sa nangangalaga ng inyong kalusagan sa VA (sa English)
Bago ka magpabakuna
Kung saan nag-aalok kami ng mga bakunang COVID-19
Mga kalusugang pasilidad VA
Nag-aalok kami ng mga bakuna para sa COVID-19 sa maraming pangkalusugang pasilidad ng VA at mga klinika. Hanapin lang ang pasilidad na nag-aalok ng bakunang kailangan ninyo.
Upang malaman ang tungkol sa kasalukuyang plano, magtungo sa website ng pasilidad. Kapag nasa website na, magtungo sa Health care services, tapos sa COVID-19 sa menu.
Mga pasilidad sa pangangalaga ng pamayanan
Ang mga lokasyon ng agarang pangangalaga at parmasya sa ating network sa pangangalaga ng komunidad ng mga bakuna sa COVID-19 sa mga Beterano. Sinusunod ng mga lokasyong ito ang kanilang mga panlokal, pang-estado o pangteritoryong plano sa bakuna. Mga Beterano hindi inuuna ang kaysa sa ibang gustong magpabakuna sa mga lokasyong ito.
Kung kayo ay nakalista sa pangangalaga ng kalusugan ng VA at magpupunta kayo sa isang lokasyon ng pangangalaga ng komunidad para magpabakuna para sa COVID-19, i-download ang aming pharmacy information card (PDF). Ipakita ang card sa provider bago kayo magpabakuna. Ang mga karapat-dapat na Beterano ay maaaring makakuha ng mga bakunang COVID-19 nang libre sa mga lokasyon ng pangangalaga sa komunidad.
I-download ang aming pharmacy information card (PDF) (sa English)
Hinihikayat namin kayong kunin ang unang pagkakataon na mabakunahan sa lokasyon na pinakamaigi para sa inyo.
Paano namin makikipag-ugnay sa mga Beterano tungkol sa pagkuha ng bakuna
Kung kayo ay kasalukuyang tumatanggap ng pangangalaga sa VA, maaaring makipag-ugnayan sa inyo ang lokal na pangkalusugang pasilidad ng VA sa pamamagitan tawag, email o text. Kung kayo ay nararapat o nais ninyong mabakunahan, hinihikayat namin ang inyong kasagutan.
Ngunit, bago kayo magbigay ng kahit anong personal na impormasyon o kaya ay i-click ang kahit anong link, siguraduhin na ang tawag, email o text ay mula sa VA.
- Laging manggagaling ang tawag sa 80728.
- Laging manggagaling ang email sa va.gov na address.
- Kung may tatawag sa inyo mula sa VA at hindi ninyo kilala ang numero, itanong ang numerong maaaring matawagan. Pagkatapos, tumawag sa inyong lokal na pangkalusugang pasilidad ng VA para makatiyak.
Maaaring anyayahan kayo ng pasilidad na magpabakuna sa ibang mga paraan:
- Maaaring anyayahan kayo sa isang malaking pagtitipon para sa bakuna tulad ng klinikang drive-thru.
- Maaaring alukin kayo ng tiyak na petsa at oras para mabakunahan.
- Maaaring sabihin sa inyong magtakda ng tipan.
Ano ang sasabihin mo sa nangangalaga ng iyong kalusugan bago ka magpabakuna laban sa COVID-19
Bago kayo magpabakuna, sabihin sa provider na magbibigay sa inyo ng bakuna ang tungkol sa lahat ng inyong mga medikal na kondisyon. Tiyakin na masasabi ninyo sa inyong provider kung naaangkop sa inyo ang anuman sa mga nasa ibaba:
- Mayroon kayong mga alerhiya
- Mayroon kayong lagnat
- May problema kayo sa pagdurugo o gumagamit ng pampalabnaw ng dugo
- May kondisyon kayong nagpapahina sa inyong immune system at sanhi para kayo ay maging immunocompromised (gaya ng cancer, HIV, organ transplant, o genetic immune deficiency)
- Umiinom kayo ng gamot na nakakaapekto sa inyong immune system (gaya ng chemotherapy o corticosteriods)
- Kayo ay buntis, nagpaplanong mabuntis, o nagpapasuso
- Nakatanggap kayo ng ibang bakuna sa COVID-19
Kung nagkaroon ka ng matinding reaksyong alerhiya sa anumang sangkap sa isang bakuna sa COVID-19, hindi ka dapat muling kumuha ng parehong bakuna para sa COVID-19.
Mga kasalukuyang magagamit na bakuna laban sa COVID-19
Ito ang mga kasalukuyang makukuhang bakuna sa COVID-19 na inaprubahan at pinahintulutan ng FDA para sa pampublikong paggamit:
- Ang na-update na 2024-2025 Pfizer-BioNTech na bakuna
- Ang na-update na 2024-2025 Moderna na bakuna
- Ang na-update na 2024-2025 Novavax na bakuna
Tandaan: Ang bakunang Janssen (Johnson & Johnson) ay hindi na magagamit sa U.S. Nag-expire na ang lahat ng dosis ng 2023–2024 Novavax COVID-19 na bakuna. Ang bakunang ito ay nananatiling awtorisado ngunit hindi na magagamit sa Estados Unidos. Hindi inirerekomenda ng CDC ang bakunang ito bilang opsyon sa ngayon.
Pagkatapos mong mabakunahan laban sa COVID-19
Ano ang aasahan mo matapos mabakunahan laban sa COVID-19
Maaari kayong magkaroon ng ilang side effect pagkatapos ninyong magpabakuna para sa COVID-19. Normal na mga senyales ang mga side effect na nagtatatag ng proteksyon ang inyong katawan laban sa COVID-19.
Parang trangkaso ang pakiramdam ng mga side effect na ito. Maaari din nitong maapektuhan ang inyong kakayahang magtrabaho o gumawa ng ibang mga pang-araw-araw na aktibidad. Ngunit mawawala rin sa loob ng ilang araw ang anumang mga side effect.
Ang ilang tao ay nakapag-ulat ng matinding mga alerhiya sa bakuna sa COVID-19. Matapos kayong mabakunahan ng COVID-19 sa VA, maaaring i-monitor namin kayo nang 15 hanggang 30 minuto. Ibibgay din namin sa inyo ang lahat ng impormasyong kailangan ninyo tungkol sa dapat gawin kung makaranas kayo ng anumang mga side effect.
Paano namin sinusubaybayan ang kaligtasan ng bakuna
Nasa ilalim ng masusing pagsubaybay para sa kaligtasan sa kasaysayan ng Amerika ang milyun-milyong tao sa Estados Unidos na nabakunahan para sa COVID-19. Maraming tao ang nag-ulat ng bahagya lang na pangalawang epekto matapos mabakunahan para sa COVID-19. Bihira ang mga malalang pangalawang epekto.
May kaunting bilang ng tao ang nagkaroon ng malubhang alerhiya (“analapilaksiya” kung tawagin) matapos mabakuhan para sa COVID-19. Ngunit, bihira ito. Pagkatapos mong makakuha ng COVID-19 na bakuna sa VA, maaari ka naming subaybayan sa loob ng 15 hanggang 30 minuto. Kung mayroon kang reaksyon, mayroon kaming mga gamot upang mabisang gamutin ito kaagad.
Patuloy na pagsubaybay
Sabihin sa iyong pangkat ng pangangalaga sa kalusugan sa VA kung nakakaranas ka ng anumang mga reaksyon sa COVID-19 na bakuna, masamang epekto, o masamang pangyayari. Ang di-kanais-nais na kaganapan ay isang pinsala o kapahamakang mangyayari sa isang tao pagkatapos niyang mabakunahan, na maaaring dulot o hindi ng bakuna.
Luulat namin ang impormasyong ito sa aming sistema ng pagmo-monitor at pagsubaybay sa bakuna. Ito rin ang sistemang ginagamit namin upang subaybayan ang mga reaksyon sa lahat ng bakuna, pati na rin ang para sa flu (trangkaso) at shingles (kulebra).
Paano namin ginagamit at itinatago ang iyong impormasyon tungkol sa pagbabakuna
Kapag kayo ay nabakunahan laban sa COVID-19, isasama namin itong impormasyon sa inyong talaang pangkalusugan ng VA. Nasa sa inyo kung nais ninyong magpabakuna. Hindi makakaapekto ang inyong desisyon sa iyong pangangalaga ng kalusugan sa VA at sa inyong mga benepisyo sa kahit anong paraan.
Ginagamit namin sa loob ng VA ang impormasyon tungkol sa estado ng inyong bakuna sa mga ilang kadahilanan:
- Upang matulungan ang bawat isang Beterano sa kanilang pangangalaga
- Upang makipag-ugnayan sa mga Beteranong maaaring nangangailangan ng bakuna
- Upang hanapin ang mga lugar o pangkat ng mge Beteranong mababa ang antas ng mga nabakunahan upang makapaglaan kami ng impormasyon at klinika para sa bakuna
Makukuha mo ang kopya ng iyong VA na talaan ng bakunang COVID-19 sa website ng My HealtheVet o kaya sa iyong mobile na device.
Alamin kung paano makuha ang iyong VA na talaan ng bakunang COVID-19 sa online
Ibabahagi namin sa CDC ang parehong impormasyong ibinahagi rin namin para sa ibang mga bakuna. Kabilang dito ang ang sumusunod na impormasyon:
- Demograpikong impormasyon (tulad ng edad, kasarian, lahi at etnisidad) na makakatulong sa CDC na maintindihan kung aling pangkat ng mga taong tumanggap ng bakuna
- Mga masamang reaksyon sa bakuna
Hindi namin ibabahagi ang inyong pangalan o tirahan.
Ano ang gagawin kung ikaw ay nabakunahan laban sa COVID-19 sa labas ng VA
Maaaring mag-alok ang inyong pinagtatrabahuan o ang lokal na mga pampublikong kalusugang opisyal ng bakuna laban sa COVID-19. Nasa sa inyo kung nais ninyong magpabakuna.
Kung nakuha ninyo ang ilang dosis sa labas ng VA, maaari pa rin ninyong makuha ang natitirang dosis na rekomendado para sa inyo dito.
Kung ang desisyon ninyo ay magpabakuna laban sa COVID-19 sa labas ng VA, hinihikayat namin kayong ibahagi ang impormasyong ito sa inyong grupong nangangalaga sa inyong kalusugan sa VA.
Maaari rin idagdag ang impormasyon ng bakuna sa iyong buod ng kalusugan sa My HealtheVet para sa iyong sariling talaan. Para idagdag ang impormasyon, kailangan mo ng Premium My HealtheVet na account.
Mas alamin ang tungkol sa pamamahala ng talaan ng bakuna laban sa COVID-19 sa online
Alamin kung paano makuha ang iyong VA na talaan ng bakunang COVID-19 sa online
Kung mayroon pa kayong mga katanungan tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 sa VA, tumawag sa aming pangunahin linya ng impormasyon sa MyVA411 800-698-2411 (TTY: 711).
Mas marami pang makakatulong na dulugan
-
Makuha ang mga pinakabagong update ukol sa kung paano maaapektuhan ng pandemyang COVID-19 ang inyong mga benepisyo at serbisyo.
-
Bisitahin ang inyong lokal na medical center website ng VA para madagdagan ang nalalaman tungkol sa paghahanda para sa bakuna sa COVID-19.
-
Magbasa pa tungkol sa aming tugon sa pampublikong kalusugan sa pandemyang COVID-19.
-
Bilang isa sa mga nangunguna sa pangkalusugang pagsasaliksik sa bansa, nagsisikap kaming makapagpatuloy upang humanap ng mga paraan para mapigilan at gamutin ang COVID-19. Alamin kung paano kayo makikibahagi sa mga pagsisikap na ito at kung ano ang mga dapat asahan kung kayo ay magboboluntaryo.
-
Simulan ang iyong aplikasyon para sa pangangalaga ng kalusugan sa VA ngayon.
-
Alamin kung paano kumuha ng mga diagnostic lab na pagsusuri para sa COVID-19 at mga self-test kit sa pamamagitan ng VA.