Ang PACT Act at ang iyong mga VA benefits
Ang PACT Act ay isang bagong batas na nagpapalawak sa VA health care at sa mga benepisyo para sa mga Beteranong nahantad sa mga burn pit, Agent Orange, at iba pang nakakalasong sustansya. Nakakatulong sa amin ang batas na ito na bigyan ang hene-henerasyon ng mga Beterano—at ang kanilang mga naulila—ng pangangalaga at mga benepisyong pinaghirapan nila at nararapat sa kanila. At simula Marso 5, 2024, palalawakin namin ang VA health care para sa milyun-milyong Beterano—nang mas maaga kaysa sa itinakda ng PACT Act.
Ang page na ito ay tutulong sa pagsagot sa iyong mga tanong tungkol sa kung ano ang kahulugan ng PACT Act para sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Maaari mo rin kaming tawagan sa 800-698-2411 (TTY: 711). At maaari ka na ngayong mag-file ng claim para sa disability compensation na nauugnay sa PACT Act o mag-apply na para sa VA health care.
Ano ang PACT Act at paano nito maaapektuhan ang aking mga benepisyo at pangangalaga sa VA?
Ang PACT Act ay marahil ang pinakamalaking pagpapalawak sa health care at benepisyo sa kasaysayan ng VA. Ang buong pangalan ng batas ay The Sergeant First Class (SFC) Heath Robinson Honoring our Promise to Address Comprehensive Toxics (PACT) Act (Pagtupad sa Pangakong Tugunan ang mga Malawakang Pagkalason na Ipinangalan kay SFC Heath Robinson).
Ihahatid ng PACT ang mga pagbabagong ito:
- Pinalalawak at pinalalawig ang eligibility para sa VA health care ng mga Beteranong nahantad sa nakakalasong bagay at mga Beterano noong mga panahon ng Vietnam, Gulf War, at post-9/11
- Nagdadagdag ng 20+ pang bagong presumptive condition para sa mga pagkahantad sa mga burn pit, Agent Orange, at iba pang nakakalasong bagay
- Nagdadagdag ng mas marami pang locations ng presumptive-exposure sa Agent Orange at radiation
- Inaatasan ang VA na magbigay ng screening para sa pagkahantad sa nakakalasong bagay sa bawat Beteranong naka-enrol sa VA health care
- Tumutulong sa aming mapabuti ang pananaliksik, edukasyon ng mga kawani, at paggamot na nauugnay sa mga pagkahantad sa nakakalasong bagay
Kung ikaw ay isang Beterano o naulila, maaari ka na ngayong mag-file ng mga claim para sa mga benepisyong nauugnay sa PACT Act.
Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng presumptive condition dahil sa toxic exposure (pagkahantad sa nakakalasong bagay)?
Upang makakuha VA disability rating, ang iyong kapansanan ay kailangang maikonekta sa iyong serbisyo sa militar. Para sa maraming kondisyong pangkalusugan, kailangan mong patunayan na ang iyong serbisyo ang nagdulot ng iyong kondisyon.
Ngunit para sa ilang kondisyon, awtomatiko naming aakalain (o “ipagpapalagay”) na ang iyong serbisyo ang nagdulot ng iyong kondisyon. Tinatawag natin itong “mga presumptive condition.”
Itinuturing naming ipinagpapalagay ang kondisyon kapag itinakda ito ng batas o regulasyon.
Kung mayroon kang presumptive condition, hindi mo kailangang patunayan na ang iyong serbisyo ang nagdulot ng kondisyon. Kailangan mo lang matugunan ang mga iniaatas sa serbisyo para maipagpalagay.
Eligible ba ako para sa VA health care sa ilalim ng PACT Act?
Eligible ka nang mag-enrol ngayon—nang hindi kinakailangang mag-apply muna para sa mga benepisyo ng disability—kung natutugunan mo ang mga pangunahing kinakailangan sa serbisyo at pag-discharge at totoo para sa iyo ang alinman sa mga deskripsyon na ito:
- Naglingkod ka sa Vietnam War, Gulf War, Iraq, Afghanistan, o sa anumang iba pang combat zone pagkatapos ng 9/11, o
- Ikaw ay na-deploy bilang suporta sa Global War on Terror, o
- Ikaw ay nahantad sa mga lason o iba pang mga panganib sa panahon ng serbisyong militar sa loob o labas ng bansa
Kasama sa mga tiyak na lason at panganib ang mga burn pit, buhangin at alikabok, particulate, sunog sa oil well o sulfur, kemikal, radiation, mga warfare agent, depleted uranium, herbicides, at iba pang mga panganib sa trabaho. Hanapin ang higit pang mga kategorya ng pagkakahantad sa militar sa aming website ng Public Health (sa Ingles)
Tandaan: Kahit na wala sa mga deskripsyong ito ang totoo para sa iyo, maaari ka pa ring maging eligible para sa VA health care batay sa iyong serbisyo. Suriin ang lahat ng kinakailangan sa eligibility sa pangangalaga sa kalusugan (sa Ingles)
Eligibility ng Beterano noong panahon ng Gulf War at post-9/11
Anong mga kondisyon ng pagkahantad sa burn pit at iba pang nakakalasong bagay ang ipinagpapalagay na ngayon?
Nagdagdag kami ng mahigit 20 presumptive condition na dulot ng pagkahantad sa burn pit at iba pang nakakalasong bagay batay sa PACT Act. Pinalalawak ng pagbabagong ito ang mga benepisyo para sa mga Beterano noong mga panahon ng Gulf War at post-9/11.
Ipinagpapalagay na ngayon ang mga kanser na ito:
- Kanser sa utak
- Anumang uri ng kanser sa sikmura at bituka
- Glioblastoma
- Anumang uri ng kanser sa ulo
- Kanser sa bato
- Anumang uri ng lymphoma
- Melanoma
- Kanser sa leeg
- Kanser sa pancreas
- Anumang uri ng kanser sa mga bahagi sa pag-aanak
- Anumang uri ng kanser sa palahingahan (nauugnay na paghinga)
Alamin pa ang tungkol sa mga presumptive na kanser na kaugnay ng mga burn pit (sa Ingles)
Ipinagpapalagay na ngayon ang mga sakit na ito:
- Hika na na-diagnose pagkatapos ng serbisyo
- Hindi gumagaling na bronchitis
- Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
- Hindi gumagaling na rhinitis
- Hindi gumagaling na sinusitis
- Constrictive bronchiolitis o obliterative bronchiolitis
- Emphysema
- Granulomatous disease
- Interstitial lung disease (ILD)
- Pleuritis
- Pulmonary fibrosis
- Sarcoidosis
Paano ko malalaman kung mayroon akong ipinagpapalagay na pagkahantad sa mga burn pit?
Kung naglingkod ka sa alinman sa mga lokasyong ito at ng mga haba ng panahon, napagpasyahan naming nahantad ka sa mga burn pit at iba pang nakakalasong bagay. Tinatawag natin itong pagkakaroon ng presumption of exposure.
Noong o pagkatapos ng Setyembre 11, 2001, sa alinman sa mga lokasyong ito:
- Afghanistan
- Djibouti
- Egypt
- Jordan
- Lebanon
- Syria
- Uzbekistan
- Yemen
- Sa himpapawid ng alinman sa mga lokasyong ito
Noong o pagkatapos ng Agosto 2, 1990, sa alinman sa mga lokasyong ito:
- Bahrain
- Iraq
- Kuwait
- Oman
- Qatar
- Saudi Arabia
- Somalia
- Ang United Arab Emirates (UAE)
- Sa himpapawid ng alinman sa mga lokasyong ito
Mayroon pa bang higit pang mga presumptive condition na nauugnay sa pagkahantad?
Oo. Nagdadagdag ang PACT Act ng mga bagong presumptive condition. Ngunit mayroon ding marami pang ibang mga kondisyong pangkalusugang ipinagpapalagay naming dulot ng paghantad sa mga nakalalason (o mapanganib) na materyal. Kung mayroon kang alinman sa ibang mga kondisyong ito, maaari kang maging eligible para sa health care o mga benepisyo.
Eligible ba ako para sa VA health care bilang isang Gulf War o post-9/11 na Beterano?
Eligible ka nang mag-enrol ngayon—nang hindi kinakailangang mag-apply muna para sa mga benepisyo ng disability—kung natutugunan mo ang mga pangunahing kinakailangan sa serbisyo at pagpapalabas at totoo para sa iyo ang alinman sa mga deskripsyon na ito.
Naglingkod ka noong o pagkatapos ng Setyembre 11, 2001, sa alinman sa mga lokasyong ito:
- Afghanistan
- Djibouti
- Egypt
- Jordan
- Lebanon
- Syria
- Uzbekistan
- Yemen
- Anumang iba pang bansang itinuturing na may kaugnayan ng VA (wala sa ngayon)
- Ang himpapawid sa ibabaw ng alinman sa mga lokasyong ito
Naglingkod ka noong o pagkatapos ng Agosto 2, 1990, sa alinman sa mga lokasyong ito:
- Bahrain
- Iraq
- Kuwait
- Oman
- Qatar
- Saudi Arabia
- Somalia
- The United Arab Emirates (UAE)
- Ang himpapawid sa ibabaw ng alinman sa mga lokasyong ito
Ikaw ay na-deploy bilang suporta sa alinman sa mga operasyong ito:
- Operation Enduring Freedom
- Operation Freedom’s Sentinel
- Operation Iraqi Freedom
- Operation New Dawn
- Operation Inherent Resolve
- Resolute Support Mission
Tandaan: Maaari ka ring maging eligible kung ikaw ay nahantad sa anumang mga lason o iba pang mga panganib sa panahon ng pagsasanay o serbisyong active duty o batay sa iba pang mga salik.
Suriin ang lahat ng kinakailangan sa eligibility sa pangangalaga sa kalusugan (sa Ingles)
Eligibility ng Beterano noong panahon ng Vietnam
Anong mga bagong presumptive condition sa Agent Orange ang idadagdag ng VA?
Batay sa PACT Act, nagdagdag kami ng 2 presumptive conditions sa Agent Orange:
- Mataas na presyon ng dugo (tinatawag ding hypertension)
- Monoclonal gammopathy of undetermined significance (MGUS)
Maaari ka ring maging eligible para sa kompensasyon sa kapansanan batay sa iba pang mga presumptive condition na dulot ng Agent Orange. Kabilang sa mga kondisyong ito ang mga partikular na kanser, type 2 diabetes, at iba pang mga sakit.
Kumuha ng listahan ng iba pang mga presumptive condition na dulot ng Agent Orange (sa Ingles)
Kung sa tingin mo ay eligible ka para sa VA health care at mga benepisyo, hinihikayat ka naming mag-apply na ngayon.
Mayroon pa bang higit pang mga presumptive condition na nauugnay sa pagkahantad?
Oo. Nagdadagdag ang PACT Act ng mga bagong presumptive condition. Ngunit mayroon ding marami pang ibang mga kondisyong pangkalusugang ipinagpapalagay naming dulot ng paghantad sa mga nakalalason (o mapanganib) na materyal. Kung mayroon kang alinman sa ibang mga kondisyong ito, maaari kang maging eligible para sa health care o mga benepisyo.
Anong mga bagong presumptive location sa Agent Orange ang idadagdag ng VA?
Idinagdag namin ang 5 bagong lokasyong ito sa listahan ng mga presumptive location:
- Saanmang U.S. o Royal Thai military base sa Thailand mula Enero 9, 1962, hanggang June 30, 1976
- Laos mula Disyembre 1, 1965, hanggang Setyembre 30, 1969
- Cambodia sa Mimot o Krek, Kampong Cham Province mula Abril 16, 1969, hanggang April 30, 1969
- Guam o American Samoa o sa mga teritoryong anyong tubig mula sa Guam o American Samoa mula Enero 9, 1962, hanggang July 31, 1980
- Johnston Atoll o nasa isang barkong nakadaong sa Johnston Atoll mula Enero 1, 1972, hanggang Setyembre 30, 1977
Kung naglingkod ka bilang active duty sa alinman sa mga lokasyong ito, awtomatiko naming aakalain (o “ipagpapalagay”) na nahantad ka sa Agent Orange.
Tandaan: Hindi ito ang kumpletong listahan ng mga presumptive location para sa pagkakahantad sa Agent Orange. Suriin ang mga kinakailangan para sa eligibility para sa higit pang mga presumptive location.
Anong mga bagong presumptive location ng radiation ang idadagdag ng VA?
Idinagdag namin ang 3 bagong pagsusumikap na pagresponde sa listahan ng mga ipinagpapalagay na lokasyon:
- Paglilinis ng Enewetak Atoll, mula Enero 1, 1977, hanggang Disyembre 31, 1980
- Paglilinis ng Air Force B-52 bomber na may dalang mga nuklear na sandata sa labas ng baybayin ng Palomares, Spain, mula Enero 17, 1966, hanggang Marso 31, 1967
- Pagresponde sa sunog habang sakay ng isang Air Force B-52 bomber na may dalang mga nuklear na sandata malapit sa Thule Air Force Base sa Greenland mula Enero 21, 1968, hanggang Setyembre 25, 1968
Kung nakibahagi ka sa alinman sa mga pagsusumikap na ito, awtomatiko naming aakalain (o “ipagpapalagay”) na nahantad ka sa radiation.
Mayroon ding iba pang mga lokasyon kung saan ipinagpapalagay naming nahantad ka sa radiation. Kung naglingkod ka sa alinman sa mga lokasyong ito, maaari kang maging eligible para sa health care o mga benepisyo.
Kumuha ng listahan ng iba pang mga presumptive location ng radiation (sa Ingles)
Eligible ba ako para sa VA health care bilang isang Beterano noong panahon ng Vietnam?
Kung naglingkod ka bilang active duty sa alinman sa mga lokasyong ito at sa mga panahong ito, eligible ka na ngayong mag-apply para sa VA health care:
- Sa Republic of Vietnam sa pagitan ng Enero 9, 1962, at Mayo 7, 1975
- Thailand sa alinmang base militar ng Estados Unidos o Royal Thai sa pagitan ng Enero 9, 1962, at Hunyo 30, 1976
- Laos sa pagitan ng Disyembre 1, 1965, at Setyembre 30, 1969
- Mga partikular na probinsya sa Cambodia sa pagitan ng Abril 16, 1969, at Abril 30, 1969
- Guam o American Samoa (o kanilang mga dagat teritoryal) sa pagitan ng Enero 9, 1962, at Hulyo 31, 1980
- Johnston Atoll (o sa barkong nakadaong sa Johnston Atoll) sa pagitan ng Enero 1, 1972, at Setyembre 30, 1977
Pagkuha ng mga benepisyo
Paano ako magpa-file ng disability claim para sa bagong presumptive condition?
Kung hindi ka pa nakakapag-file ng claim para sa presumptive condition, maaari ka na ngayong mag-file ng claim online. Maaari ka ring mag-file sa pamamagitan ng koreo, nang personal, o sa tulong ng isang may kasanayang propesyonal.
Mag-file para sa VA disability compensation online (sa Ingles)
Alamin pa ang tungkol sa kung paano mag-file ng disability compensation claim (sa Ingles)
Kung tinanggihan namin ang iyong disability claim sa nakaraan at itinuturing na naming ipinagpapalagay ang iyong kondisyon ngayon, maaari kang magsumite ng Supplemental Claim. Muli naming pag-aaralan ang iyong kaso.
Alamin kung paano mag-file ng Supplemental Claim (sa Ingles)
Paano kung tinanggihan ng VA ang aking claim ngunit itinuturing na ngayong ipinagpapalagay ang aking kondisyon?
Hinihikayat ka naming mag-file ng Supplemental Claim. Kapag nakatanggap kami ng Supplemental Claim, pag-aaralan namin ang claim sa ilalim ng bagong proseso.
Alamin kung paano mag-file ng Supplemental Claim (sa Ingles)
Tandaan: Kung tinanggihan namin ang iyong claim sa nakaraan at sa tingin namin ay maaaring eligible ka na ngayon, susubukan naming makipag-ugnayan sa iyo. Ngunit hindi mo na kailangang hintayin pa kaming makipag-ugnayan sa iyo bago ka mag-file ng Supplemental Claim.
Paano kung mayroon akong claim na nakabinbin para sa kondisyong ipinagpapalagay na ngayon?
Wala kang kailangang gawin. Kung idinagdag namin ang iyong kondisyon pagkatapos mong i-file ang iyong claim, ituturing pa rin namin itong ipinagpapalagay. Padadalhan ka namin ng paunawa ng desisyon kapag nakumpleto na namin ang aming pag-aaral.
Maaari pa rin ba akong mag-file ng mga claim sa ilalim ng PACT Act?
Oo. Mananatili ang PACT Act, at ang mga Veterano at naulila ay makakapag-file para sa mga benepisyo sa anumang oras. Kung mas maaga kayong magpa-file, mas maaga ninyong masisimulang makuha ang inyong mga benepisyo.
Kaya huwag nang maghintay pa. Mag-file ng inyong claim—o agad na isumite ang inyong layuning mag-file—ngayon.
Mag-file ng disability claim online (sa Ingles)
Alamin kung paano isusumite ang inyong layuning mag-file (sa Ingles)
Kailan ko maaasahan ang desisyon ng VA tungkol sa aking PACT Act claim?
Agad-agad naming ipoproseso ang inyong claim upang makuha ninyo sa lalong madaling panahon ang mga benepisyong nararapat sa inyo. Sa unang taon ng PACT Act, nakumpleto namin ang 458,659 na claim na nauugnay sa PACT Act—na naghatid ng mahigit $1.85 bilyon sa mga nakuhang benepisyo sa mga Beterano at mga naulila nila.
Ang panahong aabutin para pag-aralan ang inyong claim ay nakasalalay sa mga salik na ito:
- Ang uri ng claim na nai-file ninyo.
- Ilang pinsala o kapansanan ang inyong nai-claim at kung gaano kakumplikado ang mga ito
- Gaano katagal ang aabutin para makolekta namin ang ebidensyang kailangan para pagpasyahan ang inyong claim.
Regular naming ina-update sa aming website ang karaniwang bilang ng mga araw na inaabot para kami ay gumawa ng desisyon sa mga claim na nauugnay sa kapansanan.
Maaari mo ring tingnan ang status ng inyong claim sa VA.gov o sa pamamagitan ng aming VA: Health and Benefits mobile app.
Tingnan ang status ng inyong claim (sa Ingles)
Alamin pa ang tungkol sa VA: Health and Benefits mobile app sa aming mobile app website (sa Ingles)
Mga screening para sa toxic exposure (pagkahantad sa nakakalasong bagay)
Makakapagpa-screening ba ako para sa toxic exposure sa VA?
May mga screening para sa toxic exposure sa mga pasilidad na pangkalusugan ng VA sa buong bansa.
Ang bawat Beteranong naka-enroll sa VA health care ay tatanggap ng isang paunang screening at isang follow-up na screening nang hindi bababa sa isang beses kada 5 taon. Ang mga Beteranong hindi naka-enroll at tumutugon sa mga kinakailangan para sa eligibility ay magkakaroon ng oportunidad na mag-enroll at tumanggap ng screening.
Itatanong sa iyo sa screening kung sa tingin mo ay nahantad ka sa alinman sa mga panganib na ito habang naglilingkod:
- Mga nakalantad na burn pit at iba pang mga panganib sa hangin
- Mga pagkahantad na nauugnay sa Gulf War
- Agent Orange
- Radiation
- Pagkahantad sa kontaminadong tubig sa Camp Lejeune
- Iba pang mga pagkahantad
Pagkatapos ay bibigyan ka namin ng impormasyon tungkol sa anumang mga benepisyo, registry exams (medikal na pagsusuri sa mga maaaring nahantad), at klinikal na sanggunian na maaaring kailanganin mo.
Magtanong tungkol sa screening sa iyong susunod na appointment sa VA health care. Kung wala kang appointment sa hinaharap, o kung gusto mong magpa-screening agad, makipag-ugnayan sa iyong lokal na pasilidad na pangkalusugan ng VA. Hilingin na ma-screen ng screening navigator para sa toxic exposure.
Impormasyon para sa mga naulila
Makakakuha ba ng kabayarang kompensasyon ang mga naulila ng mga Beterano alinsunod sa PACT Act?
Oo. Kung ikaw ang naulilang kapamilya ng isang Beterano, maaari kang maging eligible sa mga benepisyong ito:
- Isang buwanang kabayaran ng VA Dependency and Indemnity Compensation (VA DIC). Maaari kang maging kwalipikado kung ikaw ang naulilang asawa, dependent na anak, o magulang ng Beteranong namatay sa kapansanang nauugnay sa serbisyo.
Alamin kung paano mag-apply para sa VA DIC (sa Ingles) - Isang beses na kabayaran ng mga naipong benepisyo. Maaari kang maging kwalipikado kung ikaw ang naulilang asawa, dependent na anak, o dependent na magulang ng Beteranong may mga hindi pa nababayarang benepisyo noong siya ay pumanaw.
Alamin ang tungkol sa ebidensyang kailangan para sa mga naipong benepisyo (sa Ingles) - Pensyon ng mga Naulila. Maaari kang maging kwalipikado kung ikaw ang naulilang asawa o anak ng Beteranong naglingkod noong panahon ng giyera.
Alamin kung paano mag-apply para sa Pensyon ng mga Naulila (sa Ingles)
Paano kung tinanggihan ng VA ang aking DIC claim at sa tingin ko ay eligible na ako ngayon?
Maaari kang magsumite ng bagong aplikasyon para sa VA dependency and indemnity compensation (VA DIC).
Alamin ang tungkol sa VA DIC at kung paano mag-apply (sa Ingles)
Tandaan: Kung tinanggihan namin ang iyong claim sa nakaraan at sa tingin namin ay maaaring eligible ka na ngayon, susubukan naming makipag-ugnayan sa iyo. Maaari naming muling suriin ang iyong claim. Ngunit hindi mo na kailangang hintayin pa kaming makipag-ugnayan sa iyo bago ka muling mag-apply.
Ano pa ang ibang mga benepisyo sa VA na eligible ang mga naulila?
Maaari kang maging eligible sa mga benepisyo sa VA na ito bilang naulilang kapamilya ng Beterano:
- Mga benepisyo at ginagamit sa pagpapalibing gaya ng puntod sa VA national cemetery o libreng lapida, marker, o medalyon.
- Pantustos sa pagpapalibing na makakatulong sa mga gastos ng Beterano sa pagpapalibing at punerarya. Maaari kang maging kwalipikado kung ikaw ang naulilang asawa, katuwang, anak, o magulang ng Beterano.
- Edukasyon at training. Maaari kang maging kwalipikado kung ikaw ang naulila ng Beteranong namatay habang nasa tungkulin o bilang resulta ng mga kapansanang nauugnay sa serbisyo.
- Health care sa pamamagitan ng Civilian Health and Medical Program of the Department of Veterans Affairs (CHAMPVA). Maaari kang maging kwalipikado kung ikaw ang naulila o dependent ng Beteranong may kapansanang nauugnay sa kapansanan.
- Home loan na suportado ng VA. Maaari kang maging kwalipikado kung ikaw ang naulilang asawa ng Beterano.
Alamin pa ang tungkol sa mga benepisyo ng kapamilya (sa Ingles)